Gusto kong umiyak sa malaking kawalang naganap.
Pero para saan ang pag iyak? Ano ang nawala?
Tama ba ako nung sinabi ko sayo na mahal kita,
O tama ka nung sinabi mo sa aking hindi kita mahal?
Sa iyo, sa iyo ko nadanasan ang lahat ng kababawan na pwedeng mailabas,
at sa iyo ko lang nabitawan ang mga salitang ni minsan hindi ko naisip sabihin sa aking mga nakaraan.
Masakit man o masarap pakinggan.
Tumutulo ang luha ko -
Pero hindi ko alam kung bakit.
Naninikip ang dibdib - pero dahil ba ito sa iyo?
Kailangan kita, pero hindi sa paraang gusto mo.
Wala na bang pag asang matapos ang gulo?
Gusto kitang puntahan
Kausapin o tawagan man lang
Pero para sa ano?
Guguluhin ko na naman ba ang isip mo?
Palalayain kita, yun ang kailangan mo.
Pero masakit,
dahil inisip kong mahal kita. Dahil sa huli, tama ka.
Nakalimutan ko kung ano ang nadarama ko nuon para sa iyo
Ikinalulunkot ko, at alam kong mahabang panahon ang mag daraan
bago ko mapatawad ang sarili ko sa pag sakit sa iyo.
Hindi ko sinasadya.