Entry: Starsmucks Saturday, May 21, 2005



Syempre bigla akong inulan nang pang aasar ng mabasa ni Karen ang blog ko - san ko daw nakuha ang pagiging mushy ko at naging Boyfriend Shrine ang blog ko.

Tama ba naman yon? Syempre mapipilitan akong ituwid yon - kaya ito hahalughugin ko ang paligid ko makahanap lang lang pwedeng pag usapan.

Coffee.

Ilang beses ko na ring sinabi sa sarili ko na hinding hindi na ko magtatapon ng pera sa lecheng kape na yan. Ubod ng mahal - kasing sarap rin lang naman ng Nescafe Frothe ang favorite kong Caramel Macciato. Nakaka inis - karamihan sa tin, wala nang pambili ng load, mag je jeep na lang - pero makukuha pang uminom ng mamahaling kape. Bakit? Dahil hindi nag-iisip ang tao. Parang ang gaganda ng telepono - pero pag dating naman sa bahay - wala. Ang yayabang, pero wala ring namang ibabat bat. Hindi kasi magpakatutuo sa sarili e. Kung ano lang ang kaya mo - wag mong ubusin ang sweldo mo ng isang buwan sa walang katuturang bagay na ilang buwan lang e papalitan mo na. Kung mamalasin ka pa e may darating na magnanakaw sa buhay mo at mababaliwala ang pinag ipunan mo.
May isang bulag na pulubi sa Edsa. Ilang beses na akong nag balak mag bigay ng limos - pero hindi ko ginagawa. Masama bako? Ikasusunog ba ito ng kaluluwa ko sa impyerno? Hindi naman siguro - kasalanan man ang magdamot - kasalanan rin naman ang umasa sa hingi na lang. Pero minsan, pag hindi ako makatulog, naiisip ko kung anong klaseng buhay ang meron sila. Kung iisipin mo, mukang mas madaling ang problema mo nalang e yung problema nila - san kukuha ng makakain, san uuwi para matulog at san mag iigib para maligo. E yung mga problema ko - san ako kukuha ng perang pambili ng aircon, kama, dresser at tv na pinapabili ni Mommy para dun sa bagong condo. Prinoproblema ko kung papayat bako in time for that stupid swimming trip.

May kama ka nga, hindi ka naman makatulog.
May pagkain sa lamesa - hindi ka makakain.
May pagliliguan ka nga - wala ka namang kasabay. Ay. mali ata yun

   6 comments

delish
June 7, 2005   12:24 PM PDT
 
mwehehehe

alam mo ba na nung last BU, sabi ko kina Ergoe, ayoko na sayo kasi you're no fun anymore :p

alam ko naman ngang you're still having fun... with him na nga lang mostly :)
jobarclix
May 31, 2005   11:00 AM PDT
 
"may paliliguan ka nga, wala ka namang kasabay."

-- i like this hahaha problema nga yan!
aj
May 26, 2005   12:16 AM PDT
 
erf erf erf erf *lol*
Donna
May 24, 2005   09:50 PM PDT
 
Pakshet kayong dalawa!!!
ergoe
May 24, 2005   09:45 AM PDT
 
Wala na. Wala ka nang buhay kundi si Teng. Ahahahahaahha!

*isa pa*

Ahahahahahahaha!
s3cr3tiv3
May 22, 2005   08:48 PM PDT
 
psshhtt
just passing by your BF shri... err, your blog :P

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments